Linggo, Agosto 7, 2011

Ang Bayaning Third World


                                                                Ang Bayaning Third World
 Sa pamamagitan ng panunuod ng pelikulang "Bayaning Third World’ ay inaasahan kong lalong lalawig ang aking kaisipan at kaalaman tungkol sa buhay at mga kontribusyon ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal. Ang mga pelikulang ganito ay nakakatulong ito sa pagpapalaganap ng tunay na katauhan ni Rizal na siyang interes ng maraming tao. Sa pamamagitan din nito ay maaring makilala ko si Dr. Jose Rizal hindi lamang bilang isang bayani na nagbuwis ng kanyang buhay para sa kayang bayan kundi bilang isang anak na nagmamahal ng lubos sa kanyang ina, na inalay ang karunungan at disiplina upang maibalik ang paningin na nawala sa kanyang ina, bilang isang kapatid at kung paano siya nakisalamuha sa kanila, bilang isang kaibigan at kung paano niya pinahahalagahan ang pagmamahal at pakikisama ng isang kaibigan at higit sa lahat bilang isang mang-iibig,isang mapagmahal ngunit sa ibang kadahilanan ay nabansagang babero. Ang lahat ng ito ay naghihintay ng kasagutan habang pinapanuod ko ang "Bayaning Third World". 
 Sa umpisa ng palabas ay makikita natin ang dalawang manunulat na naghahanda at nangangalap ng impormasyon para sa isang gagawing pelikula na alinsunod sa buhay ni Dr. Jose Rizal. Ang mga pangunahing tauhan sa sinabing pelikula ay sina Joel Torre na gumanap bilang Rizal, Lara Fabregas na gumanap na Josephine Bracken, Cherry Pie Picache bilang Narcisa, Daria Ramirez na gumanap bilang Donya Lolay at sina Ricky Davao at Cris Villanueva bilang mga filmmakers. Sa pelikulang ito naipakita ng mga artista ang tunay na saloobin ng mga karakter na kanilang ginampanan. Ang sinematograpiya ng pelikula ay kahanga-hanga sapagkat kanilang binigyang-buhay muli ang ating kasaysayan habang hinuhukay ang mga sulat at pahayag ng mga mahahalagang tao sa buhay ni Rizal. Ang pelikulang ito ay may kakaibang istilo sa paglalahad ng ating kasaysayan. Ipinakilala ang mga taong nagging malapit at may kaugnayan sa buhay at kamatayan ni Dr. Jose Rizal. Ipinakilala ang kanyang ina na si Doña Lolay. Si Doña Lilay ang ina ni Dr. Jose Rizal. Siya ay may pagkamasungit. Siya ay may sakit na katarata kung kaya’t pinili ni Rizal ang mag-aral ng medisina at upang mapagaling ang kanyang inang si Doña Lolay. Isa siya sa naghubog ng kaisipan ni Dr. Jose Rizal mula ng ito’y musmos na bata pa lamang. Sumonod na ipinakilala ay si Paciano na siyang nakatatandang kapatid na lalaki ni Dr. Jose Rizal.ipinahayag niyang buo ang loob ni rizal at handa na itong mamatay sa edad na 30.  Si Paciano ang nakatatandang kapatid na lalaki ni Rizal ay isa pa rin sa humubog sa kaisipan ni Rizal. Si Rizal ay inspirasyon sa kanya. Hindi rin siya payag sa pag’aaklas katulad ni Rizal. Ayon sa kanya ang kamatayan ni Dr. Jose Rizal ay tanggap na nito ang kanyang maagang kamatayan. Sila ay sobrang malapit sa isa’t isa at wala na silang masasabi pa sa isa’t isa. Si Rizal ay binansagan ding "small but terrible" sapagkat di sya katangkaran at may pagkabansot ngunit at kanyang kaisipan at kaalaman ay hindi maipaliwanag.  May mga kultong sumasamba kay Rizal at ginawa siyang isang diyos. Ang mga ginawa at kotribusyon ni Dr. Jose Rizal sa sining at iba pang aspeto ay binanggit.



Binanggit rin ang isang produktong deodorant na kung saaan ito ay ipinangalan kay Rizal at nagsasabing sa paggamit mo ng produktong ito ay hindi ka mag-aamoy indio. Inihalitulad din siya kay Flor Contemplacion na binitay sa ibang bansa. Nasabi rin dito ang tungkol sa sulat ni Dr. Jose Rizal kay Mracelo H. Del Pilar kung saan sinasabi niyang pinaghahandaan na niya ang kanyang kamatayan sa edad na tatlumpo. Ngunit ng siya ay bumalik sa Pilipinas galling sa bansang Hongkong ay ganap na siyang 31 taong gulang. Ipinatapon siya sa dapitan kung saan nakilala niya si Josephine Bracken na naging kasintahan niya habang siya ay nasa Dapitan. Ipinakilala si Josephine Bracken bilang kasintahan ni Rizal o bilang espiya ng mga prayle. Sinasabi rin na si Josephine Bracken ay nagsasayaw sa isang club sa Hongkong. Tinalakay din dito ang tungkol sa mga dokumento at kasulatan na pinirmahan di umano ni Dr. Jose Rizal kaugnay ng pagpapakasal niya kay Josephine Bracken. Isinasaad sa kasulatan na ito na siya ay nagbabalik-loob sa simbahang katolika. Nakasaad dito na Disyembre 29, 1896, isang araw bago siya ipabaril sa bagong bayan ay nagpakasal siya kay Josephine Bracken. Ang sumunod na ipinakilala ay si Narcisa inihayag niya na madalas daw magpunta sa Josephine sa simbahan tuwing alas sais ng gabi. At ng minsang sundan siya ni Trining ay nakita niya itong may kausap na prayle. Ayon kay Narcisa si Dr. Jose Rizal ay maamo at masunuring tao. Di rin daw matigas ang ulo nito. Si trining ang sumunod na ipinakilala sa pelikula. Si Trining ay isa sa mga kapatid na babae ni Dr. Jose Rizal. Maging si Trining ay hindi makapaniwala na nilagdaan ni Dr. Jose Rizal and kasulatan o ang retraction. Noong 1948 ay umupa pa siya ng isang espiritista upang makapanayam ang kaluluwa ni Rizal.
Noong 1949 2 taon bago siya pumanaw ay muli siyang nagpahayag ng kanyang saloobin ukol sa retraction. Ngunit sa pagkakataong ito ay binawi niya ang kanyang unang sinabi at inihayag na naniniwala na siya na bumaligtad nga si rizal o pumirma nga ng pakikipagkasundo si Dr. Jose Rizal sa mga prayle. Si Padre Balaguer ang kasunod na inimbestigahan. Ayon sa kanya ay siya ang testigo sa pagpirma ni Dr. Jose Rizal sa iskandalosong kasulatan. Ayon sa kanya ay humingi pa ng kumpisal si Rizal at humiling din ng isang misa para sa kanya. Ang comprontasyon ang huling kabanata. Dito tinalakay ang isang tulang isinulat ni Rizal at inilagay sa isang lampara and "Adios de Patria Adorada". Tinalakay rin dito na may isa pa syang sulat na tinago sa kanyang sapatos na suot nya ng sya ay barilin. Sa kahuli-hulihang yugto ng pelikula ay sumuko na sa pagsasaliksik ng mga gray areas sa buhay ni Rizal ang dalawang filmmakers sapagkat nahihirapan silang ipaghiwalay ang personal na paniniwala sa naitalang kasaysayan ng buhay ni Rizal. Ngunit, ang mga spekulasyon tungkol sa dokyumentong retraksyon ni Rizal ay nananatili sa ating mga isipan. Bakit nga ba Third World ang pamagat ng pelikula? Sapagkat sinasabing marupok o third class lamang ang pagkabayani ni Dr. Jose Rizal. 
 Ang Bayaning 3rd World, isang pelikulang imbestigasyon sa pagka-bayani ni Dr. Jose Rizal. Sino si Rizal? Ang pambansang bayani ng Pilipinas, The Great Malayan, at ang natatanging Indio Bravo. Maaakit kang panuorin ang mga susunod na tagpo sapagkat may pagkacomedy ang ginawang pelikula. Magsisimula ang tunay na pelikula kung saan ihahayag nila ang buhay at pagkatao ni Rizal sa pagpapakilala ng mga taong naing bahagi ng buhay at kamatayan ni Rizal. Sa kaibuturan, pelikula ng kung paano gumawa ng pelikula tungkol sa buhay ni Rizal ang "bayaning third world".
Sa maraming brainstorming at pag-aaway na pagdadaanan ng dalawang filmmakers, iisa lang ang pagkakasunduan nila: hindi magandang materyal ang pelikula ng bayani, hindi cinematic. Kahit pa nga raw isama ang pagiging matinik nito sa mga babae. Aba, sasabihin pa nila, mas maganda pa yatang isapelikula ang buhay ng uliran niyang ina. At least si Donya Loleng, pinagbintangan ng tangkang pagpatay at ipinalakad nang malayo papunta sa pagkukulungan nito. Si Rizal ay sumasagisag sa ating lahi at bayan kung kaya’t nararapat lamang na ang larawan niya ang mailagay sa piso nasiyang simbolo ng ating salapi. Kung tutuusin ay naging maikli lamang ang naging buhay ni Dr. Jose Rizal. Ngunit sa kabila nito ay punong-puno ito ng kulay. May dalawang filmmaker na unang gumawa ng pelikula ukol sa buhay ni Dr. Jose Rizal. Ngunit ang naunang matapos ang naunang matapos ay kinunan lamang ang tinatawag na "The Execution" sapagkat dito makikita ang pinaka interisadong parte ng buhay ni Dr. Jose Rizal. 
Isa si Padre Balaguer sa may mga kinalaman sa pagkamatay ni Dr.Jose Rizal. Siya ay isa sa naghatol sa kanya ng kamatayan. Sinasabi rin niya na siya ang nagkasal kay Dr.Jose Rizal at Josephine Bracken isang araw matpos na barilin si Dr.Jose Rizal sa bagong bayan. 
Sa kabuuan ay napakaganda ng ipinakitang pelikula, malinaw na naihatid ang mga impormasyon at mga pangyayaring naganap sa ating pambansang bayani. Ang mga tauhan ay gumanap ng napakaganda at sila mismo ay naging bahagi sa karakter sa buhay ni Rizal. Ang pelikulang ito ay naglalahad ng mensahe kung ang ating pambansang bayni nga ba ay marupok at pang third class lamang. Napakarami kong natutunan at naintindihan ukol sa buhay ng ating pambansang bayani. Napatunayan din na hindi pang third class ang ating pambansang bayani, sapagkat si Rizal ay larawan ng isang mabuting Pilipino at modelo sa lahat ng tao. Si Dr. Jose Rizal ay maituturing natin na isang inspirasyon at idolo sapagkat ang kanyang kabayanihang ipinakita ay hindi matatawaran, siya ay napakadakila at napakatapang, pinili niyang ipagtanggol ang bayan sa halip ang sariling kapakanan, siay ay napakamakabayan at dapat tularan.







1 komento:

  1. Narito ang ilan pang mga sikreto sa buhay ng ating pambansang bayani na ngayon lamang nabunyag https://www.youtube.com/watch?v=bKuM1Ch4vNI

    TumugonBurahin