Dr. Jose Rizal: Isang Magiting na Bayani
Sa pagsinay ng araw at pagbubukang liwayway, ang lahat ay nag-aabang, tila isang Kapistahan ang magaganap sa araw na iyon. Ang lahat ay sabik ng masaksihan ang pagbitay sa kondenado. Ang mga taga Europeo ay nagbubunyi sapagkat ito na ang araw na pinakamatagal na nilang hinihintay, ang pagkamatay ni Dr. Jose Rizal.
Ang ating pambansang bayani ang sumasagisag at pag-asa ng Pilipinas, ngunit pinagsukluban ng langit at lupa ang mga Pilipino sapagkat nalalapit na ang oras ng pagbitay sa kanya. Kahanga-hanga ang katapangan at pagiging kalmado ni Dr. Jose Rizal, suot ang kanyang itim na amerikana at derby hat habang nakaharap sa madla. Kahit na may pagkakataon siyang iligtas, pinili ng kapatid niyang si Paciano na hindi gawin ito, upang mamulat ang mas maraming Pilipino sa maling pamamalakad ng pamahalaan ng Kastila. Bagaman nagbubunyi na ang mga kaaway, labis naman ang pighating nararamdaman ng mga Pilipino. Dinig na dinig ng lahat “Consummatum Est” wika ni Dr. Jose Rizal, at sa hudyat ang putok ng baril ang tumapos ng kanyang buhay. Bago siya bawian ng buhay, hanggang sa huli ay humarap pa rin siya sa mga Pilipino tanda lamang na hindi niya tatalikuran ang Pilipinas.
Ang katapangan at matibay na paninindigan niya ay tinataglay pa rin natin magpa-hanggang ngayon. Hindi man makatarungan ang pagbitay sa kanya, ito naman ang nagging hudyat upang gisingin ang mga natutulog na damdamin ng mga Pilipino. Isang kabayanihan ang mamatay para sa Inang bayan, patunay lamang ito ng masidhing pagmamahal niya sa bansa. At ditto na umusbong ang nasyonalismo o pagiging makabayan, dahil rito ay pinili ng lumaban at ipagtanggol ng mga Pilipino ang sariling bayan. Isang pamana ni Dr. Jose Rizal ang ating tinatamasa sa kasalukuyan ang kanyang pagsasakripisyo ay hind na saying, ito na ang bunga ng kanyang mga layunin at adhikain. Ang lumaya tayo sa dayuhan at magkaroon tayo ng sariling pamahalaan at pagkawala ng kolonyalismo sa ating bansa. Ang pluma ang kanyang naging pinakamabisang sandata hindi man ito nakasusugat ngunit ito naman ay nag-aantig ng damdamin at emosyon na siyang naging paraan upang matanggal ang piring na siyan nakatakip sa mga mata ng Pilipino at Makita ang katotohanan sa mapang-aping mga dayuhan.
Karima-rimarim man ang sinapit ng mga Pilipino ng mga panahong iyon, lalo lang ipinamukha ng Espanya na bingi sila sa pagsusumamo ng mga Pilipino. Isang utang na loob sa mga Amerikano na tinalo nila ang hukbo ng Espanya sa Cuba at sa Pilipinas, dahil ditto ay pansamantalang lumaya ang mga Pilipino. Naging bayani rin sa panahong ito si Andres Bonifaio na siyang nagtatag ng katipunan o KKK. Sa aking palagay, ang pagpaslang sa kanya ay hindi makatarungan, sinasabing ito ay ipinagutos ni Emilio Aguinaldo ngunit wala pa ring malinaw na dahilan at walang makapagsasabi kung anu talaga ang tunay na nangyari ng mga panahong iyon. Isang magiting na Heneral si Emilio Aguinaldo, naitaas niya ang bandila ng Pilipinas sa Kawit,Cavite noong Hunyo 12, 1898 at naibigay ang kasarinlan at kalayaan ng Pilipinas. Ngunit panandalian lamang ito dahil isang malaking palabas lamang ng Amerika ang pagliligtas sa mga Pilipino sa Espanya, sapagkat nagkaroon ng kasunduan sa Paris o Treaty of Paris sa pagitan ng Espanya at Amerika. Ang tunay na intensyon nila ay sakupin at pamahalaan ang Pilipinas.
Ngunit kung ating titingnan ang pananakop nila ay nagdulot ng kabutihan sapagkat binigyan nila tayo ng edukasyon, pinaunlad nila ang pamumuhay, agrikultura at nagkaroon tayo ng kaalaman upang magkaroon ng sariling pamahalaan at karapatang makapagsarili. Gayun din sa pananakop ng mga Hapon sapagkat pinaunlad nila ang telekomunikasyon at itinuro nila sa ating makipagkalakalan gamit ang pera.
Sa pagdating ng dayuhan ay nagdulot rin sila ng kabutihan sa ating bansa, dumating ang mga bagong ideya, ang mga kanluraning paraan, lumawak ang sistema ng pamumuhay at pakikipagkalakalan, relihiyon, edukasyon, transportasyon at kominikasyon. Malaki ang naitulong nito sa pagbabago at pag-unlad ng bansang Pilipinas, hanggang ngayon ay taglay at dala-dala pa rin natin ang mga gawi at kultura ng Kanluran.
Sa yugtong ito nagsilang ng apat na tao na nag-alay ng kanilang buhay at gawa upang di magluwat ang pagkaduhagi ng Silangan sa Kolonyalismo. Sa apat na ito namukod sila: Mohandas Karamchand Gandhi, Rabindranath Tagore, Sun Yat-Sen at Dr. Jose Rizal. Sa pagsasanay nila sa kaalaman ng Kanluran, ginamit nila ito upang tugunan ang suliranin sa Asya. Ang nilikhang kaisipan ng mga lalaking ito sa Asya, ang nagpawala ng tiwala sa sarili ng mga kapangyarihang kolonyal. Unti-unting nawala ang kolonyalismo at namayani ang mga Asyano.
Si Dr. Jose Rizal ang pinakadakila sa kanilang apat pagkat sumibol ang kanyang pampulitikang ideya, ang kanyang mga nalimbag na artikulo at liham at ang kanyang buhay ang pinakadetalyado sa lahat. Ang tunay na pag-aalsa ng isang bansang Asyano laban sa kapangyarihang kolonyal ay ang kabuuan ni Rizal, ang unang tagapagtaguyod ng nasyonalismong Pilipino.
Sa kabilang banda, ang Pilipinas ay may kasayasayang higit pa sa India at Timog Silangang Asya. Tayo ay mayroon ng raha, kaayusang isilong Hindu at katitikang Sanskrit. Bagama’t nabigo man tayo sa mg apag-aalsa naisilang naman ang ideya ng makabagong pagkabansa biilang praktikal posibiliti ng Asya. Dahil it okay Rizal, at ito ang bahagi niya sa kasaysayan.
Malaki ang naging bahagi at tungkuling ginampanan ni Dr. Jose Rizal sa kasaysayan. Tunay ngang inaani na natin ang bunga ng kanyang mga pinaghirapan at sinimulan. Siya lamang ang katangi-tangi at may karapatang maging pambansang bayani na maipagmamalaki natin sa buong mundo. Kailanma’y mananatili sa aming mga puso at isipan ang iyong mga aral at ipagpapatuloy ang iyong mga adhikain. Isa kang inspirasyon at dapat hangaan ng lahat ng Pilipino at mamayan sa buong mundo, saludo kami sa iyo Dr. Jose Rizal.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento