Natutuhan na natin ang ilan sa mga paraan sa pagsulat ng maikhaing sulatin. Alam na natin ang mga unang hakbangin bago sumulat, at ngayon ay maaari na tayong magsagawa ng takdang sulatin at narito ang ilang paraan para sa mas organisadong pagsulat ng sulatin.
Una, dapat nating pag-isipan ang paglalarawan sa paksa at kung anung katangian mayroon ito na natatangi. Marapat na simulan na ang pagsulat sa papel ng ilang ideya.
Ikalawa, ipahayag ang layunin sa na piling paksa at banggitin ang magiging laman ng komposisyaon. Sa pagpapahayag ng layunin nagkakaroon ng focus at atensyon ang ating paksa.
Ikatlo, matapos matiyak ang ating layunin, mangalap at manguha ng mga impormasyon o mga detalye sa pagpapaunlad ngpapel.
Panghulinghakbang ay pag-oorganisangpapel. Makatutulong ang paggamit ng balangkas para sa maikling sulatin. Sa maikling papel, ang panimula at kongklusyon ay nasa isang pangungusap lamang at kabilang sa pangunahing talata.
Upang maging kasya-siya ang salaysay, pumili lang o ilahad, ang isa o di malilimutang karanasan sa ginawang malikhaing sulatin. Magiging kapanapanabikang sulatin kung nadarama ng mambabasa ang mga salita. Ang personal natugon sa pagsulat ang magbibigay buhay sa komposisiyon.
4
Aralin 2
Handa na tayong gamitin ang mga natuklasan sa pag-iisip at pagsulat. Magagawa na nating sumulat ng isang sulatin ng walang pag-aalinlangan. Ang kahulugan ng kasanayan sa pagsulat ay ang kakayahan ng tao na gamitin o ilapat na ng epektibo at wasto ang kaalamang matutuklasan natin sa araling ito ang mga kasagutan sa tanong na:
Paano gagamitin ang tayutay sa paglikha ng isang sulatin?
Ano ang idyoma, at ano ang kahalagahan nito?
5
ANG TAYUTAY
Ang tayutay ay isang anyo ng paglalarawan na kaiba sa karaniwang paraan ng pananalita. Ito’y maaaring isang patalinghagang anyo na hindi literal ang kahulugan ng mga salita. Lumilikha rin itong larawang diwa sapagkat di-karaniwan ang paraan ng pagpapahayag o pagkakasulat.
MGA URI NG TAYUTAY
1. Pagtutulad – tuwirang paghahambing ng dalawang magkaibang bagay na hindi magkatulad.
Halimbawa
a. Ang guro ko sa Filipino ay tulad ng ballerina sa pagsayaw.
2. Pagwawangis – ginagamit sa tuwirang paghahambing ng dalawang bagay na hindi magkatulad.
Halimbawa:
a. Siya ay nauupos na kandila sa kahihiyan.
b. Ang guro ay haligi ng paaralan.
3. Pagsasatao – paglalapat ng talino sa mga bagay na hindi nagtataglay ng talino upang mabuhay ; gumaganap at nagkakaisip ang mga ito tulad ng pagtataglay ng buhay o talino ng tao.
Halimbawa
a. Sumasayaw ang mga bulaklak sa ihip ng hangin.
4. Pagmamalabis – pagpapaalpas ng haraya o imahinsayon na ng lampas sa isang mahinahong paglalarawan ng katotohanan o pagbibigay ng labis na kahulugan sa nais ipakahulugan.
Halimbawa:
a. Kumukulo ang dugo ng mga guro sa PUPSMB sa nakabibinging-ingay ng mga estudyante.
b. Sa sobrang kitid ng pag-iisip ni Mr. Lopez ipinagtabuyan siya ng mga tao.
6
ANG IDYOMA O PAHAYAG NA MATALINGHAGA
Mga idyoma o pahayag na matalinghaga ang tawag sa mga salitang pinagtatambal o kawikaaang may ibinibigay na kahulugang iba sa kahulugang literal. Ito ay isang hindi tuwirang paraan ng paglalarawan sa pag-uugali, pagbibigay-puna sa mga kilos ng kapwa o pagsusuri sa mga kahinaan at kakulangan ng isang tao o sitwasyon.
Katangian ng isang wikang bahagi ng isang kultura ang pag-aangkin ng sariling mga idyoma na ang anyo at kahulugan ay sumasagisag sa lipunan ang pinagmulan. Ito ay pahayag na maaaring may kasingkahulugan sa ibang wika subalit may katangiang higit na matapat na naglalarawan sa kulturang kinabibilangan.
Mga Halimbawa ng Idyomang pahayag:
1.Balat-sibuyas Maramdamin
2.Lumuha ng bato Magdusa ng labis-labis
3.Bumaha ng dugo Maraming nasawi
4.Durugin ang puso Saktan ng labis-labis
5.Magtaingang-kawali Magbingi-bingihan
6.May pakpak angbalita Mabilis kumalat
7.Guhit ng palad Kapalaran
8.Kamay na bakal Malupit
9.Magsunog ng kulay Magpuyat sa pag-aaral
10.Magpasan ng krus Magtiis
Mahalaga ang idyoma sapagkat ito’y nagbibigay kulay sa ating salita.Magagamit din ito sa paglalarawan ng mga salita at mga bagay na nais din nating gamitin sa paglikha ng sulatin.
7
TALAAN NG NILALAMAN
INTRODUKSYON
PAGHAHANDA SA PAGSULAT 1
MGA PARAAN SA PAGLIKHA NG SULATIN 2
KAHALAGAHAN NG PAGSULAT 3
PAGGAMIT NG KASANAYAN SA PAGSULAT 5
ANG TAYUTAY 6
IDYOMA 7
URI NG PAGSULAT 8
URI NG SULATIN 9
BUOD 10
SOLUSYON 11
REKOMENDASYON 12
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento