Allan C. Gulinao
BSED-MT-2-1
Si Dr. Jose Rizal ay mayroong ugaling nababagay sa mga Pilipino, tulad ng pagiging masipag, matalino at mapagmahal sa bayan. Kahit siya ay hindi sa Pilipinas nagaral makikita pa rin sa kanya ang pagiging Pilipino. Tulad ng pagsulat niya ng dalawang nobela sa ibang bansa. Ang mga aklat ni rizal ang gumising sa mga Pilipino upang lumaban sa pamahalaan ng Kastila.
Siya ang napiling pambansang bayani ng Pilipinas dahil ginising niya ang mga Pilipino sa pangaalipin ng mga Kastila. Karapat-dapat lamang na si Dr. Jose Rizal ang maging pambansang bayani ng ating bansa dahil sa kanyang mga nagawa at siya ay isang larawan ng kapayapaan. Ang kanyang paraang ginamit ay sumugat ng husto sa mga prayle, mapayapa ang kanyaang paraan ng pagtuligsa at paglaban sa mga Kastila. Hindi niya ginamit ang dahas upang walang magbuwis ng buhay. Ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ang ginamit niyang sandata ito rin ang isang dahilan upang siya ay piliin na maging pambansang bayani ng Pilipinas.
Iniluklok sa trono si Rizal bilang Pambansang bayani dahil siya lang ang bukod tanging Pilipino na nagkaroon noon ng lakas ng loob na kalabanin ang mga dayuhan sa pamamagitan ng pagsulat na may paninindigan. Bukod pa sa pagiging napakatalinong tao at may natatanging katangian na nagmulat sa mga nagbubulagbulagang mga mata ng mga Pilipino noong mga panahong iyon. Siya ang klase ng taong hindi makasarili bagkus ay inisip nya rin ang kapakanan ng mga kababayan niya. Nagbuwis pa siya ng buhay para sa mga Pilipino na kung tutuusin ay kababayan niya lang naman. Pero pilit niya paring minulat ang isip ng mga Pilipino. Nakilala rin siya sa ibang bansa sa pagiging matalino na talaga namang kahanga-hanga at isang karangalan sa ating mga Pilipino. Meron pa siyang statue sa Europa.
Si Rizal ang pambansang bayani sapagkat siya ang naging dahilan ng pagkakagising ni Andres Bonifacio sa katotohanan na ang mga Kastila ay mapagsamantala at manggagamit. Siya ang bayani na gumamit ng napakatalinong pamamaraan ng pakikipaglaban at isina-alang ang buhay ng maraming mga Pilipino. Si Dr. Jose Rizal ang pambansang bayani dahil ipinaglaban nya ang bayan sa pamamagitan ng kanyang mga panulat, lumaban sya hindi gamit ang dahas kundi ang kanyang talino, siya ang pambansang bayani dahil "He is the person who lives for the people" inuna nya ang kapakanan ng bansa kesa sa pansariling kaunlaran.

Siya ang ating pambansang bayani sapagkat siya ang unang pilipinong nakapag-isa sa damdamin ng mga pilipino ipinagkaloob nya sa kanyang bayan ang sariling buhay at itinuro niya sa sambayanan kung ano ang kalayaan, respeto sa sarili at pagkatao.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento